kagabi, nakipaginuman ako sa mga boys ng plumbing section, birthday kasi bi boss T. Nahihiya naman kasi akong di pumunta. Tapos pumunta sya dito sa bahay nung fiesta.


Pag lalaki talaga kainuman mo, wala ng magaling kundi sarili nila. Di ko naman nilalahat. Pero lagi nalang ganun.


Kagabi kahit andun ako, wala na silang pinagusapan kundi, sex life nila. Kung gano sila kagaling sa work.


Wala naman akong problema sa kanila sa trabaho. Pero iba talaga pag nasa inuman.


——
bangenge ako nung kinaon ko si V, sa work. Dami nyang kwento, nung andun kasi ako sa workplace nya. Andun pala boss nya. Tinanong sya si V ng tungkol sakin.


Kala ng boss ni V, butch ako. Sabi ni V ‘di ako papayag na tawagin ka ng tao na butch.’


napaisip tuloy ako, gay ako, pero mukha ba akong butch?

—-
pag dating ko sa bahay kaninang umaga. Kinakabit na cable. Sa wakas.

——
matatapos na naman ang araw. Bat ganun, pag rest day mo. Aang bilis ng oras. Pag nasa trabaho naman. Ang tagal. Syeeet.

#nowplaying ‘panghabang buhay ang pagibig ko sayo ohh sinta…’