hello monday!

Agang aga, nanggigising ang mame, wala daw kasing tubig. Mag-igib daw kami. Kaya eto kahit rest day ako. Napaaga ang gising ko.


Pulong lang kami ng pulong ni gilbert. Yung bunso kong kapatid. Tungkol sa koste, sa buhay ojt. Sabi ko kasi sa kanya na magandang mag OJT sa bar. Mabubuhay sya dun dahil ng tip. Parang ako dati. Kahit 500 lang allowance ko per week nabubuhay ako. Kung tutuusin. Mas malaki pa naiipon ko sa tip sa isang linggo kesa sa binibigay sakin ng mame. Kaya nakakauwi ako linggo linggo sa batangas.


Napagusaapan namin na kung bibili ako ng volks. Kulang pa 80thou, hehehe as if naman makakaipon ako ng ganung kalaking pera. Di naman imposible, medyo matatagalan lang siguro kung sariling ipon ang pinaguusapan.


Gusto ko talaga ng volks. Kung hindi pick-up. old car na box type. Basta gusto ko lumang kotse.

So yun, good morning