minsan nakakalungkot mabuhay sa mundo. Pag may mga gusto ka sa buhay, yun pa ang hirap makuha. Samantalang sa iba, gustuhin lang nila, makukuha na nila. Di nga patas ang buhay. Yung mga taong pursige ng pursige, kulang parin ang pagod nila. Samantalang yung iba, uupo laang, peperma, pera na para sa kanila yun. May iba napinanganak na meron, pero mabait, mapakungbaba. Pero yung iba, na naghirap, nagtyaga, hanggang sa makaalwan sa buhay, kung makatapak sa mga tao sa iba, kulang pa ang tadyak. Nasilam na sa pera. Mahirap ang simpleng buhay, kasi pagkagising mo sa umaga, ang unang iisipin mo ay kung anong kakainin mo sa araw na yun. Kesa sa magarang buhay na, ang iniisip mo ay kung papano mo gagastusin ang pera mo sa araw na yun. Mahirap mabuhay sa mundo. lahat naman tayo mamamatay, pero bago araw na yun. Araw-araw mo iisipin kung papano mabubuhay.