Mahirap din pala pag nasa ibang lugar ka. Di mo kilala anga mga tao sa paligid.


Bigla nalang may mananaksak.


jasonfnsaint:

Currently watching.

jasonfnsaint:

Currently watching.

20 notes • reblogged from jasonfnsaint 9 hours ago

Buhay namin ni V.

6:30 - gising ni pola.
9:00 - 6:00 trabaho ni pola.
9:00 - tulog si V.
5:00 something - trabaho ni V.
6:00-onwards: dead air.
9:00 - tulog si pola.
12:00mn - sana magising si pola. Para makatext si V.
1:30 - labas ni V sa trabaho.
2:00am-6:30am - dead air.


Posted on Jan 27, 2012 at 12PM

(Source: unhealedscar)

139 notes • reblogged from kayaandkstew 1 day ago

Napaka-sakitin ko ngayong nakaraan.


Gusto ko sanang konti lang maka-alam ng tungkol samin ni V.

Ewan ko nga ba. Natatakot kasi ako ng madiscriminate. Pero, sobrang nakikita kami ng mga tao sa paligid nya.


Ok lang naman. Minsan kasi ang tanong e, “hanggan kelan okey?”


hangga’t di sila mangengealam sa relasyon namin. Wala akong problema dun.


Random thoughts.

Marami paring nagbabago. Kahit na dun sa pinaka masaya ka na. Darating parin yun araw na mananawa ka.


lagi nang bukangbibig ng ilan samin kung papano naging iba ang trato ng management sa mga empleyado.

E kasi ganito, e kasi ganun.

Marami naman talagang nagbago. Siguro gusto nilang ipakita na sila ang batas. Na maka-rules sila, maka-policy. Tanggap ko na yun. Pero ba’t ata harapan ang pagiging bias at conspiracy.


Yun ang ayaw ko sa isang malaking kompanya. Ayos naman yung company e. Wala akong maiipuna. Yun lang, iba na timpla kung paguusapan e ang mga namumuno.


Mahirap magsulat tungkol sa mga ganitong bagay, kung alam kong maraming nakakabasa.

Mahirap. Kasi, ako, responsable ako sa sinasabi ko, pero. Di na ako responsable sa kung ano ang maiintindihan mo.


Minsan, may mga kaibigan tayo na nagsasabi ng sikreto sa atin. At syempre, bilang kaibigan. Obligasyon na isikreto natin yung mga bagay na yun.


Pero may mga pagkakataon lang talaga, na pag tayo ang nagsasabi ng sikreto sa kanila. Bat di nila maisikreto.

Yung part na yun di ko maintindihan.

Napagkatiwalaan nya ako. Pero di ko pala sya mapagkakatiwalaan.


Iba na pag nagkakasakit ka sa edad na’to. Kasi nung bata ka. Mega asikaso sayo nanay mo.


Naalala ko noon, sumakit lang ngipin ko sa madaling araw. Iiyak lang ako. Tapos tatawagin sya. Kukuha na sya ng suka at papel at ilalagay sa pisngi ko.

Weird no? Pero epektib yun. Kasi pag gising ko kinabukasan. Wala na yung sakit ng ngipin ko.


Pero ngayon, kelangan kong alagaan sarili kasi di na ako bata.


Minsan importante talagang uminom ng gamot.


Everything hurts.

My head, aches. Parang isang malaking balloon ang ulo ko. Aalog alog sya.

My shoulders, hurts. Ang batok ko. Balakang. Tyan ko.

Naiirita ako sa ingay. Ayaw ko ng maliwanag.


Nabibingi ako.
Barado ilong ko. Di ako makahinga ng ayos.


Syet lang.


Ito na yung pinaka masamang pakiramdam na pinaka masama sa naramdaman ko.


Na kahit ireklamo ko ng ireklamo. Wala parin. Masama parin pakiramdam ko.


Balik trabaho na ulit. Nakakatamad lang.


Di mo parin nalalaman kung anong posibleng mangyari bukas.


03/28/2011 Career

Posted on Jan 17, 2012 at 9PM permalink

watermelondrizzle:

Kanina galing kami sa SM dept. store, sa mga gamit/materyales sa bahay. Natuwa lang ako kasi buong pag-ikot namin dun, naaalala ko si slowpagong. Laging nasa isip ko “ganito ang ginagawa ni Pola”, ganun kasi ang work nya sa Batangas. Nakaka-tuwa lang isipin. Parang pag nasa SB ako, “ganito si Gzel eh”.

Pag nasa ospital kaya sila maalala kaya nila ako? Haha. Wag naman sana. ^_^  

3 notes • reblogged from watermelondrizzle

Happy fiesta!


Fiesta sa batangas city ngayon. Kakapagod. At since, taga malalayong lugar ang mga bisita ko. Kaya hinatid ko lahat. Nakita ng papa na nagmomotor ako at nagaangkas. Tinakasan ko nga. Pero pag balik. Inunahan ko sya ng “sorry, kelangan ko lang talagang gawin.”